Posted in dagli, Filipino, friendships, journal, love, random, thoughts, word vomit

journal #12:

03.17.18.

Overwhelming.


Muntikan na akong makapasok sa isang bar (isang taon pa bago ako maging legal). Halos tumakbo na ako palayo sa isang potential rapist kahina-hinalang lalaki. Mall of Asia lang ang paalam ko pero bigla kaming napunta sa Star City.

Parang ang babaw . . . ewan ko na.

Apat lang kami, puro babae. Nag-shoot kami para sa isang project. Ang setting(s): Luneta Park at SM Mall of Asia. Hindi ko rin alam kung paano kami napunta sa Star City. Hindi kami kung pa’no pumunta doon. Nagtanong-tanong kami. Sumakay at lumakad kami nang kaunti. Lakad-takbo no’ng napansin naming may nakasunod na lalaki.

Pagdating namin sa Star City, nagbayad lang kami ng admission fee. Hindi kami sumakay sa rides. Nanood lang sa mga tao. Bandang alas-otso, ayaw na naming umuwi. Paulit-ulit kong sinabi sa kanila, “parang ayoko nang umuwi“.

Ang ganda kasi ng mga ilaw. Ang saya ng mga tao do’n. Finals na namin sa linggong ‘to. Ang saya sa pakiramdam na nagawa ko pang umalis at pumunta sa kung saan sa halip na unahin ‘yong paggawa ng reviewer. Saglit na pagtakas sa reyalidad . . . gano’n ‘yong pakiramdam. Naglakad lang kami nang naglakad. Bumili ako ng dalawang boteng tubig na presyong ginto pagkatapos, nag-ambagan pa kami para sa popcorn.

Isang taon pa bago ako maging legal. Pauwi, naisip ko na ang dami ko pang lugar na hindi napupuntahan, kantang hindi naririnig, pelikulang hindi napapanood, bagay na hindi ginagawa. Isang taon pa bago ako maging legal. Ang dami ko pang gustong gawin na hindi ko pa magawa dahil sa mga responsibilidad kong hindi na yata matatapos.

Pauwi, iniisip ko kung kailan ko ba magagawa ‘yong mga bagay na ‘yon nang walang inaalala? Kapag ba matanda na ako . . ? Bakit hindi ko pupuwedeng gawin ngayon? Madalas, gusto kong sa’kin lang umikot ‘yong mundo.

Kailan ba puwedeng ako muna? Ako muna. Panoorin nila ako kahit saglit lang. Kahit limang segundo lang at pagkatapos no’n, sige na, sa inyo na ulit ang mundo at oras ko.

Advertisements

Author:

"You need to get lost before you find yourself" likes: coffee ☕ || rain ☔ || books 📚 || music 🎧 || writing at 2 AM :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s