Posted in Filipino, friendships, journal, love, poetry, random, Uncategorized

gusto kong mawala.

Gusto kong mawala.

Kung paano?

Gusto ko ‘yong parang sa anime na unti-unting naglalaho – mala-slow motion pa para poetic at dramatic.

Gusto ko rin ‘yong katulad no’ng sa Shakugan No Shana. Mawawala rin lahat ng gamit ko pagkatapos, pati mukha ko sa mga litrato, mawawala rin.

Gusto kong mawala. Gusto kong pumunta sa kung saan na walang nakakakilala sa’kin. Kumbaga, mawawala lahat ng katarantaduhan ko sa buhay. Mawawala ‘yong imahe ng taong una nilang naiisip sa tuwing naririnig nila ang pangalan ko.

Gusto kong mawala nang hindi nasasaktan. Ayokong mapunit ‘yong balat ko. Ayokong sumabog yung baga ko dahil sa tubig. Ayokong matusta na parang lechong manok. Ayokong magkaron ng itim na marka sa leeg ko. Ayokong magkaroon ng marka sa pulso ko.

Ayokong malunod. Ayokong maglaslas. Ayokong masunog. Ayokong uminom ng asido. Ayokong mamatay sa bangungot. Ayokong mahulog galing sa mataas na lugar. Ayokong masagaan. Ayokong magbigti.

Ayokong masaktan. Takot akong masaktan.

Pero gusto ko nang mawala.

Gusto kong mawala nang mapayapa.

Ako lang, ako lang at wala nang iba pang masasaktan.

florence

Advertisements

Author:

"You need to get lost before you find yourself" likes: coffee ☕ || rain ☔ || books 📚 || music 🎧 || writing at 2 AM :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s