Posted in friendships, journal, love, poetry, random, Uncategorized

journal #11: hi, N :)

Hindi ko akalaing aabot ako sa puntong ‘to – magsusulat ng kalandian para sa’yo nang walang pakialam kung may ibang makakabasa. Pero nandito naman na ako, nabuksan ko na ang Microsoft Word kaya bahala na.

Hindi ko inaasahang makikilala kita. Hindi ko inaasahang magugustuhan kita. Hindi ko inaasahang aabot ako sa puntong mag-eeffort ako para sa’yo. Marami na kasi akong nabasang mga libro na laging niloloko ang babae ng lalaki. Sandamakmak din ang mga confessions sa Facebook na niloko raw sila ng mahal nila. Hindi ko na pahahabain. Ang point ko lang naman sa paragraph na ‘to ay takot ako sa attachments, commitments, promises – sa relationships.

(Shit. People, don’t miss this post. Bihira akong mag-open up.)

Pagkatapos ng Grade 7, nagbago ako, este, binago ko ang sarili ko. Nagtayo ako ng pader pero katulad ng nangyari no’ng umpisa ng Grade 7, nasira rin naman ‘yong pader na itinayo ko sa loob ng dalawang buwan (summer break). At natutuwa ako na isa ka sa mga taong pilit na pumasok sa buhay ko. (Shit, ang corny.) Gusto mo raw ako sabi ng mga kaklase natin. Syempre, hindi ako naniwala. Ako lang naman ‘to e. At saka, isang araw pa lang naman no’n pagkatapos ay sumunod na araw ay gusto mo na ako? Ang bilis naman ata no’n.

Kinausap mo ako sa chat at kinain ko ‘yong paniniwala kong hindi mo ako gusto kasi nagpapalusot ka lang no’n – no’ng sinabi mong gusto mo lang makipagkilala sa mga kaklase mo. Paano ko nalaman? E hindi lang naman ako ang online no’ng mga panahong iyon. Hindi ko rin alam kung bakit patuloy akong sumasagot sa mga mensahe mo noon. Kinuwento kita sa mga kaibigan ko. Tanong pa nga nila, bakit daw ako sumasagot sa mga mensahe mo kung wala naman akong nararamdaman para sa’yo. Hindi ko alam, sa totoo lang.

Ang alam ko lang noon ay masaya akong nakakausap ka.

Para nga tayong tanga noon e. Para tayong best friends sa gabi sa chat at normal na magkaklase lang kinabukasan. Dumating ang araw na umamin kang gusto mo ako. Ang sagot ko pa nga sa’yo noon ay isang simpleng “okay”. Ano nga ba ang dapat na isinagot ko sa’yo noong oras na ‘yon? Hindi pa naman kita gusto no’n e. Matapos ang limang buwan, umamin akong gusto na rin kita. Hindi ko alam kung bakit ako umamin. Siguro hindi pa ako natututo sa nangyari sa amin, sa akin dati. Alam ko naman kasi kung anong mangyayari kapag umamin ako. Magiging higit pa sa magkaibigan ang turingan natin. Mapapalapit ako lalo sa’yo. Masasaktan ako kapag nawala ka. Maiiwan akong mag-isa at babalik ako sa dating ako – malamig at walang iniisip kundi ang sarili.

Naaalala ko pa nga e.

I’m warning you before anything else. I’m a lot to handle. Sakit lang ako sa ulo mo. Magiging pasanin lang ako sa’yo. I’m a mess. I’m fucked up. Kaya kung sa tingin mo ay hindi mo kakayanin, ngayon pa lang ay puwede ka nang umatras.

Iyon ang sabi ko sa’yo. Sabi mo, ayos lang. Sabi mo, kakayanin mo. Sabi mo, mas maganda nang sumubok ka kaysa umatras ka agad. Kinilig Natuwa ako no’ng sinabi mo ‘yon. Hindi ko inaasahan ‘yon galing sa’yo. Akala ko, aayaw ka kaagad. Kaya salamat. Salamat kasi sumubok ka. Salamat kasi pinatunayan mong mali ‘yong iniisip ko.

Kung ayaw mo na, feel free to leave.

Iyon ‘yong sinabi ko sa’yo no’ng nag-away tayo. Sabi mo, hindi ka aalis. Sabi mo, kakayanin mo. Sabi mo… kahit ilang beses pa tayong mag-away, hindi mo ako iiwan. Sabi ko naman, kapag nag-away tayo, lalayo muna ako pero hindi ako mawawala. Sabi mo, ikaw rin – magpapalamig ka muna ng ulo mo at saka natin pag-uusapan.

Alam mo, sa totoo lang, hindi ko inaasahang mahuhulog ako sa’yo. Hindi ko inaasahang aabot ako sa puntong lalakas ang pintig ng puso ko sa tuwing makikita kitang nakangiti. Hindi ko akalaing aabot ako sa puntong halos gusto ko nang kainin ng lupa sa sobrang hiya ko sa’yo.

Hindi ko inaasahang mamahalin kita.

And I do – I love you. Believe me, I really do.

Hanggang ngayon, walang labis at walang kulang.

(Pakshet ang corny ko.)

florence

Advertisements

Author:

"You need to get lost before you find yourself" likes: coffee ☕ || rain ☔ || books 📚 || music 🎧 || writing at 2 AM :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s