Posted in Filipino, friendships, journal, love, random, Uncategorized

journal #4: ‘no regrets’

(Credits to MaSci SSG 2016-2017 for the picture)

Kakauwi ko lang galing sa isang rave party. Basa ang suot kong mga damit dala ng mga lobong puno ng tubig na pinambato namin sa isa’t isa. Miski ang salaming suot ko, basang basa rin. Hindi ko naman gano’n ka-close ang mga kasama ko pero sa tingin ko, pare-pareho kami ng gusto – gusto naming makalimot at magsaya kahit isang gabi lang. Pare-pareho naming gustong makalimot at magsaya nang magkakasama kahit hindi naman kami ‘yong tipo ng mga magkakaibigan na magkakasamang kumakain tuwing lunchtime.

Magkakahawak kami ng kamay habang tumatakbong parang walang bukas. Marami kaming nabangga. Mayro’n pa ngang nauntog sa amin e. Nahulog pa nga ang salamin ko (mabuti nga’t nasalo ko). Kung bakit namin tinakbo ang buong lugar nang magkakahawak kamay? Ang sarap kasi sa pakiramdam. Pakiramdam ko, wala akong problema. Pakiramdam ko, kami lang ang tao sa mundo. Pakiramdam ko ayos ang lahat. Ang saya. Sobrang saya.

We were running like wild boars and I swear, I finally understood Charlie Kelmeckis of “The Perks of Being a Wallflower” when he said he felt infinite.

Kasi naramdaman ko ‘yon kagabi. I felt infinite. Para kaming lumilipad sa sobrang bilis ng takbo namin. Para kaming mga ibon na kagabi lang nabigyan ng pagkakataong lumipad nang malaya. At habang tumatakbo kami, isang pangungusap lang ang nasa isip ko: Buhay ako. Buhay ako at nandoon ako kagabi, kasama nila. Buhay ako at kasama nila akong tumakbo. Buhay ako at nandoon siya, pinapanood ako habang nakangiti sa kabila ng iba’t ibang kulay ng ilaw na patay-sindi. Sa sandaling ‘yon, naalala ko lahat ng mga panahong inisip kong sumuko. Mabuti pala at hindi ko itinuloy iyon kasi kung natuloy ang mga ‘yon, hindi ko mararamdaman ang sayang iyon kagabi. Hindi ko alam kung gano’n din ang naramdaman ng mga kasama ko. Pero wala na akong pakialam, ang mahalaga ay naramdaman ko ang pagiging infinite.

florence

Advertisements

Author:

"You need to get lost before you find yourself" likes: coffee ☕ || rain ☔ || books 📚 || music 🎧 || writing at 2 AM :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s