“Ayos ka lang ba?”
“Ha? Ah. Oo, ayos lang ako,” nakangiti kong sagot kasabay ng isang thumbs-up.
Laging ganito. Araw-araw pa nga e. Hindi ko alam kung matutuwa ako na hindi nila napapansin o maiinis kasi hindi napapansin ng mga taong gusto kong makapansin. Nalalabuan na nga rin ako sa sarili ko e. Gusto kong mapansin nila pero ayokong mag-alala sila. Ayokong may magpakita ng concern sa akin – pakiramdam ko hindi ako karapat-dapat sa pag-aalala nila. Pakiramdam ko mas mabuti na akong mag-isa.
Ayoko ng nagkukuwento kasi wala rin naman akong ikukuwento. Miski ako nawiweirduhan sa sarili ko eh, pa’no pa kaya sila?
Pakiramdam ko, nauubos ako. Pakiramdam ko pagod na pagod na ako kahit wala naman akong masyadong ginagawa sa buhay.
florence