Posted in Filipino, journal, random, Uncategorized

journal #2: grades are ‘just’ numbers

VI.XII.XVI.

Ako lang ba ang nakakapansin na sadyang may mali sa ating sistema? Diyos ko po, hindi ko na yata kayang makitang ninenerbyos ang mga kaibigan ko tuwing bigayan ng report cards. Hindi ko na yata kayang marinig ang mga hinaing patungkol sa mga nagkokopyahan sa likod tuwing Periodic Test na baka raw masali pa sa Top 10 ng klase.

Hindi naman sa sang-ayon ako sa pandaraya pero kasi, nasa high school kami. At ganito ang normal na estudyante sa high school – nagkacutting, nagtatanungan at nagkokodigo tuwing exams, nagsisiraan, nagpi-feeling presidente kahit hindi naman, at nagpi-feeling maganda o guwapo kahit mukhang kamatis na sa pula ang mukha nila dahil sa dami ng tigyawat.

Hindi ko na alam kung tama o mali ang takbo ng utak ko. Ayaw ko rin namang magsalita dahil baka matulad ako sa kaklase naming babaeng walang kasamang kumain tuwing lunchtime.

Grades are just numbers” daw pero bakit gano’n? Bakit ganito? Ang daming nandaraya para lang sa letseng grades na ‘yan. Ang daming napagkakamalang bobo at tanga dahil sa hinayupak na numerong ‘yan. Napakaraming bumababa ang tingin sa sarili dahil sa mga putanginang mga numerong ‘yan. Napakaraming mga estudyante ang nag-iisip na kitilin ang sarili nilang buhay tuwing gabi dahil bagsak sila sa isang subject. Napakarami rin siguro ng mga tulad kong hindi na alam kung saan lulugar.

Nakakapagod na kasing manood. Nakakapagod na ring makinig.

Pero nakakapagod ring magbulagbulagan at magbingi-bingihan.

Saan nga ba talaga ako lulugar?

florence

Advertisements

Author:

"You need to get lost before you find yourself" likes: coffee ☕ || rain ☔ || books 📚 || music 🎧 || writing at 2 AM :)

One thought on “journal #2: grades are ‘just’ numbers

  1. Minsan napepressure sa magulang/guardians. Ang hirap kasing isipin na nagpapakahirap sila, tapos ibabagsak lang pala natin yung bagay na pinaghihirapan nilang i-provide.

    Tapos mas pinahahalagahan pa nila ang grades kaysa sa aktwal na natutunan. Kahit na mas naiintindihan mo yung leksiyon, basta mas mataas si *ganito* sa exam, ibig sabihin mas “ma-alam” siya kahit na nangopya man siya. Kaya yung iba nawawalan ng gana sa grade-driven na sistema.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s