Posted in Uncategorized

Sa aming canteen. . .

Unang hakbang pa lamang niya papasok sa tila dambuhalang asul na gate, agad niyang hinanap ang lugar na iyon. Napakaraming tao noon at nasakto pang lunchbreak ng mga estudyante kung kaya’t siksikan pero dahil may pagkain, aba’y okey na okey siya! Nasilip niya sa kabila ng bagong punas na salamin ang samu’t saring pampalubag tiyan. Mayroong sitsiriya, donut, sorbetes, at marami pang iba! Dudukot na sana siya ng barya mula sa Hello Kitty niyang pitaka nang maalalang kakain nga pala ang buong angkan sa isang restawran mamaya. Lingon sa kanan, pati sa kaliwa. ‘Diyos ko po!’, pigil niyang sabi nang mapansin ang kaliwa’t kanang mga mag-aaral na tila nasa isang TV Advertisement ng JCo. kung ngumuya ng tanyag na oreology. Napamura na lang siya sa isip at nanginginig na naglabas ng singkwenta pesos mula sa nakangiting si Hello Kitty na wari bang tuwang tuwang mapapagastos siya. ‘Isa nga pong oreology’, usal niya habang nangingiming iniabot sa babaeng nakapusod ang buhok na pinalooban ng punit-punit na hairnet. Pilit siyang nginitian ng babae at sinabihang, ‘Hija, wala na akong barya e. Ayos lang ba kung kendi ang isusukli ko?’

florence

Advertisements

Author:

"You need to get lost before you find yourself" likes: coffee ☕ || rain ☔ || books 📚 || music 🎧 || writing at 2 AM :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s