Posted in Filipino, journal, love, poetry, random, Uncategorized

Paano nga ba nagsimula ang lahat?

Paano nga ba nagsimula ang lahat?

Nagising na lamang akong hinahanap kita
Tanda ko pang pilit kong pinaliliit ang aking mga mata,
Mahanap ka lamang sa tila langgam na kumpol ng tao
Pagmulat ng mga mata ko sa umaga, ngalan mo rin ang bulong ng isip at puso ko

Paano nga ba nagsimula ang lahat?

Nakita ko na lamang ang sarili kong sumusulyap sayo
Hindi ko batid ngunit gustong gusto ko ang mga ngiti mo
Ang gaan din sa pakiramdam ng malamig mong tinig
Kapag ika’y tumatawa, ramdam ko ang saya ng iyong puso

Paano nga ba nagsimula ang lahat?

Maniwala ka, mahal, sinubukan kong pigilan
Ngunit traydor si Tadhana at hindi niya ako pinagbigyan
Sa halip na paglayuin, mas lalo pa tayong pinaglapit
Hanggang sa puso ko’y tuluyan mong nasungkit
Paano nga ba nagsimula ang lahat?

Hindi naman kita kilala
Miski pangalan mo’y hindi ko ikinababahala
Noon ay hindi man lang kita tinatapunan ng tingin
Bakit ngayon ako sayo’y nagpapapansin?

Paano nga ba nagsimula ang lahat?

Nahihiya akong aminin ngunit talaga yatang mahal na kita
Naghihikahos ako sa tuwing ang mga mata mo’y bihag ng iba
Paano ba iyan?
Ang mga sintomas ng pag-ibig ay akin na’ng nararanasan

Paano nga ba nagsimula ang lahat?

Sa pagsambit ko ba ng mga salitang “mahal kita”?
Sa pagtanggap ko ba na hinahanap-hanap kita?
Hindi ko alam kung paano nagsimula ang ating kuwento
Pati huling pahina natin ay hindi ko sigurado

Ngunit mahal, masaya ako sa tabi mo
Sinisigurado ko sayo, mananatili ako hanggang dulo
Hindi ko man maalala kung paano tayo nagsimula
At kahit ‘di ko sigurado kung paano magtatapos ang ating istorya.

florence

Advertisements

Author:

"You need to get lost before you find yourself" likes: coffee ☕ || rain ☔ || books 📚 || music 🎧 || writing at 2 AM :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s